A cancer diagnosis can be stressful. Discover how Cancer Council can support you and your family and friends in Tagalog.
Ang diyagnosis na kanser ay maaaring nakakabahala. Alamin kung paano makakasuporta ang Cancer Council sa iyo, sa iyong pamilya at mga kaibigan.
Talk to us in your language
Call the Free Interpreting Service TIS National on 131 450, say you need Tagalog, and then ask the interpreter to contact Cancer Council on 13 11 20.
Makipag-usap sa amin sa iyong wika
Tumawag sa Libreng Serbisyo ng Pagsasalinwika ng TIS National sa 131 450, sabihing kailangan mo ng Tagalog, at pagkatapos ay hilingin sa interpreter na kontakin ang Cancer Council sa 13 11 20.
Find trustworthy information
We have information about different types of cancer, treatments and recovery.
Maghanap ng mapagkakatiwalaang impormasyon
Mayroon kaming impormasyon tungkol sa iba’t ibang uri ng kanser, paggamot at pagpapagaling. Bisitahin ang aming website para sa impormasyon sa Tagalog.
Connect with others
You may find it helpful to talk to other people affected by cancer. We can connect you with someone who speaks Tagalog and has been through a similar cancer experience.
Makipag-ugnayan sa iba
Maaaring makatulong sa iyo ang makipag-usap sa ibang mga tao na naapektuhan ng kanser. Maaari ka naming iugnay sa isang tao na nagsasalita ng Tagalog at nagkaroon din ng katulad na karanasan sa kanser.
Contact our health professionals
Our health professionals can answer your questions and help you find support. Call 13 11 20 Monday to Friday, 9 am–5 pm.
Makipag-ugnay sa aming mga propesyonal sa kalusugan
Masasagot ng aming mga propesyonal sa kalusugan ang iyong mga tanong at tutulungan kang makahanap ng suporta. Tumawag sa 13 11 20 Lunes hanggang Biyernes, 9 am–5 pm.
Sort out legal and money issues
If you need to sort out bills or find legal or financial advice, we can help. These services may be free if you can’t afford to pay.
Ayusin ang mga isyu sa batas at sa pera
Kung kailangan mong asikasuhin ang mga bayarin o humanap ng payo sa batas o sa pera, maaari kaming makatulong. Ang mga serbisyong ito ay maaaring libre kung hindi mo kayang bayaran.
Get help with practical matters
We can link you to transport, accommodation and home help services.
Humingi ng tulong sa mga praktikal na bagay
Maaari ka naming i-link sa mga serbisyo ng transportasyon, tirahan at tulong sa bahay.
Download a PDF to print out or call 13 11 20 to order some printed cards.
Mag-download ng PDF para makapag-print o tumawag sa 13 11 20 para mag-order ng mga naka-print na card.